THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Tuesday, March 16, 2010

I wish, I wish.

Wishes is all about looking forward to something, for something, for someone, or to someone that we hope would happen someday or in a certain time that we wish to. Its all about hoping. No matter how impossible it could be. As long as you believe, nothing is impossible.

This night, I wish to those shooting stars, that we could do this before you leave.

Monday, March 15, 2010

Food for Thought “expect the unexpected”

“Back in the corner, where I first you.” A line from the song “The Man who can’t be moved by The Script” made my day last March 6, 2010.
Sabi nga nila sa school na pinanggalingan ko nung high school, expect the unexpected. Pambansang food for thought namin yan simula nung pumasok ako sa high school. Palaging naka-sulat sa upper left corner ng board kasi requirement namin yun araw-araw. Para raw ma-inspire kami at madagdagan ang kaalaman sa aming utak.
Sa totoo lang, wala akong paki-alam sa mga food for thought namin. Ginagawa ko lang yun dahil part ng grade. Bukod dun, wala sa kalooban ko gumawa ng mga yun.  In short, napipilitan lang.
Pero “expect the unexpected”,  March 6, 2010, napatunayan ko sa sarili ko na nage-exist nga ito sa mundo. Sa school kung saan ko unang nabasa ang mga katagang ito, doon ko rin napatunayan at naranasan kung ano ba talaga ang ibig sabihin nito. Paano?
Kasi ganito, almost three years ago, I fell in-love with my first girlfriend. Oo, na’in-love ako. Hindi simpleng love yun. Deep inside, I can still feel the same feelings for her despite of the years that we don’t have commitment at all. But we are good friends, and that matters most.
Almost one year I’ve tried to forget everything about us. Kasi hindi ko talaga matanggap na nag break kami for unknown reason. I wont describe it anymore kasi unfair naman.
Then, another year came, and this time, I realized that I’m just fooling myself. Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na wala na talaga. Na-realized ko na lang, niloko ko lang pala ang sarili ko sa pagkahaba-haba ng panahon. Then I found myself going back to her.
Clueless ako kung bakit at paano. Basta ang alam ko lang, masaya ako kapag nakikita ko siya at nakakasama. She is like my smile. A different kind of smile na sa kaniya ko lang naranasan at nagawa. Hindi ko alam kung hopeless ako sa kaniya, but right now, I don’t care.  As long as I’m happy, I’m going to stick with it. (but of course with safety measures din naman hehehe)
Ayon, grand alumni daw ng school ko nung high school. So I went there to celebrate with my batch mates. Thankful ako dahil akala ko hindi ako makakapunta for some reason. Syempre kasama na rin dun na makita ko ang “pare ko” uli dahil miss na miss ko na siya. Dapat talaga akong magpasalamat ng sobra dahil I did not expect that an unexpected thing will happen.
Parang nagkaroon ng time machine na automatic na nagstart kahit hindi ko pinaandar. Actually satisfied na ako nung nakita ko siya. Nung una nga ayaw niya magpakita sakin eh. Pero di niya alam, nakita ko siya sa malayo. Alam kong siya yun, kahit malabo ang paningin ko. Lumapit ako pero hindi ako nagpahalata na malapit na pala ako sa kaniya. Kunwari pumasok ako sa sentro ng kalinangan para tignan yung painting ko na replica ng ibibigay ko sana sa kaniya dati. Mula roon, pinagmasdan ko lang siya. Hanggang sa pumasok na siya ng room niya. Masaya na ako run. Kahit ganun lang.
Pero hindi pa pala yun ang main event sa pagtravel ko sa past. We both felt the same feelings. Hindi ko alam kung paano pero ramdam ko na parang high school ako uli at kami uli nung mga panahon na yun. Kakaibang excitement yung naramdaman ko nung sinabi niya sakin na, “parang na’in-love ako uli sayo”. Parang nagkaroon ng steam sa katawan ko :)Hindi ko maipaliwanag, basta ang alam ko buhay pa rin ang love ko para sa kaniya, pero hindi ko inasahan sa gabing yun, mabubuhay muli ang love niya para sa akin :) Oh diba anong say mo? haha rak lang pare ko! ^^
Honestly, I just want to see her with her retainers kasi nagpagawa siya. Thats it. Bukod dun wala na. Tapos hindi ko rin napansin nung andun na ako sa venue. Siya lang talaga ang halos tumatakbo sa isip ko. Gusto ko sana mag-enjoy with every part of the program. Pero nangibabaw pa rin siya sa akin. Na mas nag enjoy ako kesa dun sa enjoyment na hinahanap ko. Unexpected indeed.
Unti-unti nang nawawala ang liwanag sa paligid. Nagpapalit na ang araw sa gabi. Nagsisimula na lumitaw ang mga stars sa langit. Ibig sabihin gabi na. Napapalapit na ang uwian. Nalungkot na ako nung nalaman ko na umuwi na pala siya. Dinalahan ko pa man din siya ng sopas at pansit kasi hindi pa siya kumakain. Parang nawalan na ako ng gana.  Pero ayoko pa rin umuwi. Wala rin kasi akong gagawin sa bahay.
Maya-maya nagtext na siya. Kukunin na niya yung hinihiram niya sa akin. Hindi ko siya mapuntahan kasi hindi ko alam kung nasaan siya at na sa labas pa ako ng school dahil naghanap ako ng mapapaloadan para matext siya. Hanggang sa nainis na lang siya kasi hindi ako nagrereply. Nung natanggap ko yung load, tinext ko agad siya kung na saan siya. Tumatanggi na siya. Hindi ko alam kung ano naramdaman ko. Basta ang alam ko dumiretso ako sa room nila para ibigay yung kelangan niya kahit na hindi ko alam kung andun nga ba talaga siya. At yun, sinalubong niya ako ng ngiti. :) Nanlambot ako bigla. Natuwa ako na nakangiti siya sa akin. Tumawa na lang ako pero deep inside, gusto ko na siya yakapin muli. Pakiramdam ko, lalo ako nainlove sa kaniya.
Nagkasama kami uli. Naglalakad lakad sa dating school na araw-araw kaming magkasama at nagkikita. Bumalik talaga ang panahon nang hindi ko hinihiling. Alam ko sa sarili ko na maaaring hanggang doon lang yung feelings na yun sa araw ding yun. Pero isa sa mga paniniwala ko, “enjoy little things” na mula sa Zombieland, na kung tutuusin ay tama rin naman. “Little details are important than bigger details, it makes the big picture more detailed” , sabi sa Sherlock Holmes. Tama rin diba? Kahit na kaunting kaunti lang ang pagkakataon na nagkakasama kami, may nabubuo muli sa akin. Simple lang pero malaki ang nagagawa nito sa akin. At kung ano yun, secret ko na lang. XD hehe
Minsan talaga, hindi mo rin alam ang mga mangyayari. Madalas, sa mga pagkakataon na hindi mo inaasahan, magiging masaya ka dahil naramdaman mong may taong muling nagparamdam sayo na mahal ka niya na matagal mong hinanap.
Expect the unexpected, yan ang food for thought natin for this day.
-littleaBi :)


Thursday, February 25, 2010

Hidden Drugs


Tulad ng dati, balik na naman sa ganitong gawi. Mahirap talaga pigilan pag minsan ka nang nasanay sa isang bagay. Hahanap-hanapin mo talaga kung ano ang kakaibang pakiramdam na binibigay nito sa katawan mo at sa pagkatao. Ibang pagka-high ang nagiging resulta sa tuwing nakukuha mo ito at napapasayo. Para kang nabubudburan ng “happy pills” – kung mayron man na ganyang pills.
Sabi ko na nga ba eh. Kung ano ang nakakatanggal at nakapagpapagaling ng sakit ko sa tuwing may sumpong ako, kahit gaano pa katagal na hindi ko naiinom ang gamot na yun, at kahit matagal na yung pagkakataon na hindi ko na uli nakita yung gamot na yun, isang parte lang mula sa kanya,  solve na ako. Nawawala ang sakit ko.
Minsan nga kahit titigan ko lang yung picture ng gamot, malaking tulong na. Pero mas matindi ang tama kung nakikita ko ng personal at na sa harap ko mismo yung gamot. Lalo pa at siya ay na sa mga kamay ko. Lalong tumitindi ang tama. Parang ligtas na ako sa lahat ng pagkakataon na hawak hawak ko siya. Nabibigyan niya ako ng lakas na higit pa sa kailangan ko. Nabibigyan niya ako ng kaligayahan na hindi makikita sa ibang gamot. Ang epekto niya ay walang katulad at wala ding makakapantay sa kaniya.
Sabihin man nila o tawagin nila akong adik, wala akong pakialam. Hindi naman nila nararamdaman kung ano nilalabanan kong sakit. Hindi nila alam kung ano ang kailangan ng aking pagkatao at katawan. Hindi ko talaga ipagpapalit ang gamot na toh kahit may lumabas pang mga bago. Kahit na ang totoo, mas mahal ko pa sa sarili ko ang gamot ko, dahil not for sale ito at mahirap hanapin at makuha. Siya’y walang kapalit na halaga, at dapat mabusisi ang pagkalinga’t pag-aaruga sa kaniya. Para manatili siyang buhay sa akin kahit kami ay magkalayo na.

Saturday, February 6, 2010

I Saw You and Hugged Me, but........


Naglalakad ako kagabi sa kalsada. Syempre madilim, gabi eh. Naghahanap ako ng stars kaya lang wala akong makita. Buti na lang naaaliw ako sa mga ilaw ng poste. Parang naiiwan yung ilaw sa paningin ko. Ang sarap paglaruan sa paningin. Nakakatuwa lang mag-imagine ng kung anu-ano habang ginagawa yun.

Sa di kalayuan, may nakita akong kakaiba. Hindi ko pa masyadong maaninag kasi malabo ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng tao sa lugar na yun, yun talaga yung kakaiba na yun yung napansin ko. Kakaiba kasi yun sa lahat. .Parang may kinalaman kasi siya sa akin. Parang ganun.

Papalapit na ako ng papalapit sa kakaiba na yun. Medyo lumilinaw na ang pagkakakilanlan niya. Parang kilala ko nga siya. Yung lakad na yun, yung kilos na yun, kilalang kilala ko talaga. Nilapitan ko siya, tapos tinignang mabuti. Kainis, natakpan ng sasakyan. Sinundan ko pa rin ng tingin hanggang sa makita ko talaga kung sino siya. Nakakadismaya, nung nakita ko siya, katulad lang pala niya kumilos. Hindi pala yung tao na gusto ko makita yung nakita ko. Akala ko siya na. Hindi pala.

Ayon, naglakad-lakad ako uli para lang malibang. Grabe kasi ka-boring ng buhay. Tinatamad akong kumilos at gumawa ng kung anu-ano. Tapos may nakita na naman ako. Ito talaga parang ito na yung gusto ko makita. Mas makatotohana toh dun sa na-una. Siyempre lumapit uli ako ng lumapit para makita ko talaga ng malapitan. Medyo malayo pa distansya niya sakin. Pero parang siya na nga ata yung tao na hinahanap ko. Babatiin ko na sana. Tapos biglang tumingin sa akin, sakto dun pa sa may ilaw natapat. Haaaaay. Iba pala. Kasing tangkad lang pala at hugis ng katawan pag nakatalikod. Mali na naman.

Napa-upo ako saglit. Para lang magpahinga na rin kahit kaunti. Hindi pa naman ako pagod talaga eh. Tumingala uli ako sa langit. Madilim talaga, walang mga stars na nagpapakita. Nagtatago silang lahat sa ulap. Tapos masilaw din dahil sa ilaw ng mga gusali at sasakyan. Napabugtong hininga lang ako at tumayo para maglakad-lakad uli.

Hindi pa ako nakakalayo, nagulat ako nung may naramdaman akong gumapos sa baywang ko! Unang pumasok sa isip ko mandurukot. Pero masyadong mataas yung mga kamay niya. Yung bulsa ko na sa bandang ibaba ng baywang hindi sa bandang tiyan. Tapos kakaiba yung naramdaman ko habang nakagapos yung mga kamay nung kung sino man yun. Parang pamilyar yung pakiramdam. Tinignan kong mabuti yung mga kamay, nakayakap pala sa akin. At parang ayaw akong bitawan. Sa gulat na rin, hindi talaga mawala sa pakiramdam ko na alam ko kung kanino ko nararamdaman yung pakiramdam na yun. Tapos may binanggit akong pangalan. Sinubukan ko kung sasagot siya. Pero hindi umimik. Tinanong ko kung siya ba yung tao na na sa isip ko. Hindi pa rin siya nagsalita. Kahit anong lingon ko sa likod, hindi ko talaga siya makita. Sa kagustuhan ko nang malaman kung sino siya, pinilit kong alisin yung mga kamay niya sa akin at humarap ako sa kaniya.

Shit! Kinilabutan ako! Kilala ko yung tao na yun! Pero bakit wala siyang mukha!? Tapos nagsalita siya bigla. Binanggit niya pangalan ko. Siya nga yun! Boses niya yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga yung taong gusto kong makita. Tapos biglang dumilim ang paligid. Naramdaman kong naninigas yung mga paa ako. Hanggang sa buong katawan ko na yung nanigas. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung bakit. Basta alam ko lang natatakot ako. Pinipilit kong gumalaw, pero hindi ko magawa. Sinubukan kong magsalita, pero hirap na hirap akong bumigkas ng salita. Sumisigaw na ako pero hanging lang lumalabas sa bibig ko. Tapos may naramdaman akong humila sa akin sa ulo. Hindi ko alam kung sino yun. Tapos namalayan ko na lang, nakahiga pala ako sa kama ko. Natutulog at nananaginip. (T.T) Haaaay.

Narealize ko na lang, namimiss ko na yung tao na gusto kong makita. Akala ko nakita ko siya uli sa totoong buhay. Yun pala sa panaginip ko lang siya nasalubong. Hindi ko tuloy maintindihan kung bangungot ba yun oh normal na panaginip lang. Aminado ako na masaya akong naramdaman uli yung yakap na yun. Na matagal ko ring hindi naramdaman at hinahanap. Siya lang ata ang makapagbibigay sa akin ng ganung klaseng pakiramdam. Pero bakit ako natakot? Bakit ako nakaramdam ng takot nung nawala siya sa paningin ko? Nung dumilim ang paligid? Bakit ganun? Bangungot ba talaga yun? oh panaginip lang?

Friday, February 5, 2010

Brilliant Night of February 4, 2010

This scene was last night while waiting for the electricity. Because of boredom, I decided to take a walk for while.

While walking, I realized that sometimes, its nice to live in darkness. Its so peaceful; free from noise, free from technology, free from stress, free from worries. Its so relaxing to the mind because of silence. All I can here were insects and my twin brothers' voices teasing each other.

Then I looked up, and I was amazed. "WooowooW! Cool! The sky was so brilliant! The stars were twinkling  as if they were talking to each other and tempting me to stare at them. And they won. I stared them again and again. And because of their beauty, I climbed the roof just to see them clearly. I got inspired in watching, then different ideas for artwork and music came consistently. But when I sat on the roof, I heard my brothers shouting "Yehey! May ilaw na!" Damn!, I was about to enjoy the moment. (Kainis, wrong timing. Andun na ako eh, moment ko na eh. Hindi man lang ako pinatagal ng isang minuto sa bubong. Hehehe ^.^) Anyway, its useless to stay on the roof. Lights form houses were so bright, it got me blind to see the stars clearly. So I went down and drew the illustration above to remember the brilliant night of February 4, 2010.

Wednesday, February 3, 2010

Snapshots

"Color of shadows"

 "Figment of Lines"

"Gradient"

"Destination"

"I know you're somewhere out there"

"I'll just sit and wait you here"


(These are my shots last February 2, 2010. )

Sunday, January 31, 2010

Always do something UNEXPECTED

About the illustration, it is a combination of 2D drawing and real objects morphed together to form this kind of image. It took me 3 1/2 hours in making the whole thing. Its my first time to do this. Not bad for a first timer. :) 

I just explored the possibility of doing this. And it worked well. ^^

Friday, January 29, 2010

Cycle of Life in Water

"People just come and go." ---> madalas ko marinig yan sa mga kanta. Mapaluma man o bago, hindi pa rin nawawala sa mga lyrics. Nung una, sabi ko sa sarili ko, parang normal naman talaga na may darating at aalis, naalala ko kasi yung lesson namin sa physics dati about properties of matter, sabi ng prof namin, "In every interaction of different molecules of different states of matter, there will always be changes in positions of molecules. There will be replacement of positions. Some will be gone but will be replaced soon." Tama diba? May aalis, pero may papalit. Example pa nga ng prof namin para mas madali maintindihan, sabi niya, halimbawa yung room namin ay isang baso. Kami ang water molecules, yung pinto ng room yung opening ng baso. 20 kami lahat sa loob, tapos nag-evaporate ang tubig, nabawasan ng dalawang tao ang room, so 18 na lang kami sa loob. Yung dalawang umalis, mga saling pusa lang sa subject. Tapos maya-maya may dumating na dalawa, na official students sa subject na physics, nakompleto na uli yung 20 na tao sa loob ng room. Parang ang nangyari, water cycle. Nag-evaporate, tapos nag-condense, at nag-precipitate.

Naka-relate lang ako sa isang story ng kakilala ko.  Hawig ang story niya sa water cycle. Parang siya yung tubig sa baso, tapos may dumating sa buhay niya na dumagdag sa pagiging tubig niya. Tapos nag-evaporate. Syempre nabawasan siya. Tapos may nag-condense na friendship, at pagkatapos nun, may nag-precipitate ng comfort sa kaniya, tapos dahil sa heat, wala siyang magagawa at hindi niya mapipigilan na mag-eevaporate din yung naging part ng sarili niya sa pagiging tubig. Hihiwalay din yung molecule na yun na minsa'y nagpangiti sa kaniya at nagpasaya at sinamahan siya sa mga pagkakataon na may nagtangkang inumin siya.

Parang ganun diba? May cycle ang lahat. Pero ang nakakainis lang, hindi na ba mapipigilan yung cycle na yun? Bukod sa fact na magiging imbalance ang lahat pag walang cycle, pero bakit minsan, parang okay na eh, tapos bigla na lang masisira o may mawawala. Dahil ba may papalit agad? Ganun ba yun? Eh pano kung yung baso nilagyan ng cover? Paano mag-eevaporate yun? Paano magco-condense yun? At paano magpe-precipitate yun? Stagnant na lang siya. Wala nang nabago. Maliban na lang kung may magtatanggal ng takip sa baso.

Pero ang tanong, sa water cycle ba, yung mga molecules na nag evaporate, pag bumalik sila sa water state, sa iyo pa rin ba ang bagsak ng patak nila? 

Thursday, January 28, 2010

A Call to Arms







"There's no point to keep your head face down, when all we see and know and feel is temporary. Spread your arms and keep your held high, good things are better taken in the less you notice."
Lines from the song A Call to Arms by Urbandub form their latest album The Apparition.

This part of the song is my favorite. Why? Its because what is said here is true and is really happening. In life, there will always be trouble. It will always be there. Its a natural thing in us to experience problems. Problems that may bring us down for a long time, or situations that may bring us mad and out of our mind. Sometimes those who can not take it anymore commits suicide to end their sufferings. But , "there's no point to keep your head face down, when all we see and know and feel is temporary", there will always be hope for us. no matter how long it take to approach us, it will definitely come. Today will be different from tomorrow.

In real life, there will always be people who will help us every time we need it. People that will comfort us when we need comfort. People that will make us smile when we are crying. People that will help us stand up when we are down.


"Spread your arms and keep your head held high, good things are better taken in the less you notice"; definitely true, we just take for granted the good things that we have. We just don't notice that we already have them in our hands because our mind is poisoned by our own judgement.

Here is the link of this song. Just follow it.
A Call to Arms by Urbandub

Sunday, January 17, 2010

Kahit ang mga Baliw ay may Sagot din na Nakaka-PRANING















Saturday, January 16, 2010

Letter to my best friend


Para sa mga kagaya ko na hirap maka move on sa past. Ang tanong, hirap nga ba? Kasi minsan ok naman eh. Ang saya-saya ng atmosphere. Ganado sa lahat ng bagay. As in ok talaga. Parang nawala na yung dating nagmumulto sa iyo ng paulit-ulit. Na kahit sa panaginip sinusundan ka at hindi tinatantanan. Parang nakaka-praning lang isipin na bakit hindi ba matapos-tapos ang mga ganung bagay? Yung tipong, hindi mo na nga iniisip pero kusa naman lumalapit para magpaalala ng kung anu-ano.

Sabagay, multo nga eh. Nagpapakita sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan. Tinatakot ka, na pinagkukunan nila ng lakas para lalo kang takutin at manatili silang nariyan sa tabi mo at para hindi sila mawala sa paningin mo. Parang lamok na paulit-ulit kang kakagatin para sipsipan ng dugo, at kung mamalasin, magkaroon ka pa ng dengue or malaria na siya namang pwedeng pumatay sa iyo.

Sa tagal na rin ng panahon, parang nakakasawa na rin yung ganito. Wala na bang bago? Nananahimik na lang nga ako dito eh. Pero para ka talagang hangin. Kahit saan ako pumunta, talagang hindi ka na mawawala. Siguro dahil na rin sa naging part ka na ng sarili ko dati, kaya ganito. Parang hindi ka na rin talaga aalis sa isip ko. Kasi nga andun ka na. Gumawa ka na ata ng bahay dun eh kaya feel at home ka na talaga.

Hindi naman kita pinapaalis ng sapilitan noh, kasi alam ko naman na hindi na mangyayari yun kasi nga matagal ka ring naging part ng buhay ko. Ang sinasabi ko lang, sana i-timing mo rin kung kailan ok ang mood ko. Para madali ko lang i-ignore ang lahat ng mga ka-emohan sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa iyo. Kasi ewan ko ba kung bakit ganun pa rin ako sa iyo. Aminado naman talaga ako dun. Iba ka pa rin talaga, ganun ka pa rin sa akin. Sabagay ikaw pa lang naman kasi talaga, hindi ka pa nasundan.

Gustuhin ko man magkaroon ng kapalit mo, talagang hindi pa ata dumadating yung tao na yun. Gaya mo, kusa kang dumating nung mga panahon na tumigil na ako sa paghahanap kasi wala naman akong napapala. Ginulat mo na lang ako isang araw, nariyan ka na pala. At ibang-iba talaga pag kusang dumating sa buhay mo. Kasi natural ang lahat. Hindi ka pinilit at hindi ka namilit.

Sana lang talaga, naging patas lang tayo sa isa't-isa dati. Sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Kasi ang sakit sa kalooban na iniwan ka ng taong mo mahal mo dun sa point na mahal na mahal mo siya, na clueless ka kung bakit.

May mga pagkukulang, oo, pareho tayong meron. Pero sana kung naiintindihan mo lang ang sitwasyon natin noon, sana hindi ganito kahirap para sa akin ngayon. Kung ikaw kaya ako, nung mga panahon na tayo ay magkasama, at ikaw ang na sa sitwasyon ko ngayon, kakayanin mo rin kaya? Malamang oo, pero kagaya rin ba kita na masaya ngayon? Siguro hindi.

Pero nagpapasalamat ako sa iyo. Kasi ipinaramdam mo na kumpleto ang pagkatao ko pag kasama kita. Ipinaramdam mo sa akin na special ako at iba sa lahat. Inalagaan mo ako sa abot ng makakaya mo sa kabila ng lahat. Alam ko naman nung mga panahon na yun, ginagawa mo na lahat, kahit hindi halata. Alam ko, alam mo na yun. At alam ko na alam mong ibig kong sabihin. Namimiss ko lang ang dati nung magkasama pa tayong dalawa. Nung wala pa ang boyfriend mo. (T_T)







Love,

Pare (pet name ng mag-best friend)


(letter ni guy best friend para kay girl best friend after magkaroon ng boyfriend si girl best friend)




(yan ang madalas nangyayari sa mga mag-best friend, may nahuhulog ang loob para dun sa isa, itinatago ang feelings for the sake of their friendship kasi ayaw masira ang pinagsamahan. But the worst part is, they both hurt themselves and most of the time, they end up loosing each other. Ouch! Sad, but true.)

Sunday, January 10, 2010

Look Beyond What You SEE

(this photo is taken from Palawan Photo Blogs-a group in Facebook)

Inspiration comes from everywhere. Its a thing that we just feel anytime and anywhere. Sometimes it surprises us and dictates our actions to do something unusual and unexpected. Like a robot, being controlled by a remote control, intense emotions have its own power to overrule the mind, feelings, and actions.

As I browse some blogs, I found a photo from a group in Facebook in which I am a member, a photo of a young lady watching the sunset under a tree in the middle of the sea. This photo is so amazing! The fact that I really love sunset. For me, its one of the sources of my inspiration. The number one source I guess.

Every time I watch a sunset, or even just looking at photos of it, there are stories that just create a new dimension in my mind. I see new perspectives, and new ideas, as if I am searching for them, they just come and gives me an extraordinary kind of strength. Strength that I don't know where I'll use for. Its within me, and it keeps me alive. And all I know is, I should make things, I should add something to this world. But its not only me, it should be we. It is we whom will make our world better. Better than we imagined before.

Ratatouille 'Only the Fearless Can Be Great'



Its been a while since the last time I was impressed in a movie. As far as I remember, that was 7 months ago. That was the trilogy of The Lord of the Rings.
Last week, another movie inspired me. This time, it was "Ratatouille".

It was Thursday afternoon, I heard my twin brothers were laughing. I got curious about what they're doing. So checked them out. I saw them watching a movie. At first, I ignored it. I'm not interested at all. Then I saw my sister, she was paying attention to the film. For the second time, I took a look again. It was not bad. The illustrations were funny, and a kind of catchy. Then I was hooked up when the main character did something unusual.

He was cooking. Yep, that's right. The main character was cooking. How it became unusual? Well, he was a rat putting some spices in a soup. Not only an ordinary soup but he managed to make the best one. Cute isn't it? But gross. In real life, we treated rats as pests, but in the movie, he was hero. He saved the new garbage boy who was recently hired by the chef from being fired because of his clumsiness. Then, they worked together to stay in the kitchen as a new cook. The rat was controlling the human like a puppet to do cooking.

Its crazy, but I like the story and the ideals they portrayed. Its equality that matters. No discrimination as much as possible. Anyone could be a hero, anyone could be a great man, anyone could be a noble one. Only if we had given a chance to do so.

In reality, we are not equal, but we are trying to be equal. Limits are set for us. Power, wealth, freedom, they all have limits. But its not too late. For those who dare, they might get what they deserve. Only the fearless can be great.

Thursday, January 7, 2010

Spirit of Music



Sometimes music cures the sadness of a person. It has its magical powers that goes inside the ears and flows directly to the heart. It jams with every beat. We can't notice it. We will just feel it without knowing it, that it is already inside of us, making our soul to sing, making our body to jive.

Smiling, you wouldn't notice it neither. Tapping, you'll just do it without a reason. Singing, of course if you know the lyrics, then sing along with the melody, if not, my God do not dare, you will ruin everything. LOL. :) just kidding.

See how magical it is? It has its own spirit. It has its own life. It has its own feelings. If you love music, music will also love you in return. Just relax, listen, feel the sensation, music is all around us. All you need to do is "listen"

And always remember, just keep ROCKIN!!

Wednesday, January 6, 2010

Praning!




Minsan may mga bagay na mahirap intindihin. Minsan nakaka-asar tanggapin ang katotohanan na talagang pinaglalaruan lang tayo ng pagkakataon. Minsan kung kailan masaya ka na, may manggugulo pa. Kung kailan tahimik na ang isip mo dun pa may papasok at sisirain ang lahat. Ano ba talaga? Badtrip ah. Bagong taon na, ang ganda na nga ng simula eh. Okay na okay na ako. Pero dahil lang sa isang tao na ayaw na ayaw ko na makita dahil naiirita ako sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawa sa akin. Ewan ko ba. May mga ganun talaga. Kahit yung dati kong professor sa English subjects ko nagkwento. Meron talaga siyang tao na bwisit na bwisit siya kahit wala naman ginagawa sa kaniya yung tao. Yung tipong gigil na gigil ka at sarap na sarap kang hambalusin ng paunti-unti. Brutal ba? Ayos lang yun. Brutal din kasi yung nararamdaman ko pag nakikita ko siya eh. Pinapahirapan niya ako ng hindi niya alam. Nakakabanas lang talaga kung bakit sa dinami dami ng pwedeng makita, yung tao na yun pa ang bubungad sa akin. Pwede naman yung nagtitinda ng yosi, yung naglalako ng balut. Pero bakit siya pa? Kairita! Ito pa ang nakakatawa. Hindi ko naman siya kilala hahaha! Praning ba? Yaan niyo na lang ako, hindi ko naman kayo inaano eh. Siya lang yung nang-aano.

Kunwari deadma ako na nasalubong ko siya. Pero ang totoo kumukulo na dugo ko. Hay, bakit kaya ganun noh? Parang nananadya yung pagkakataon. Parang wala na bang iba diyan na pwedeng pagtripan at bakit ako pa? Sa dami ng tao sa Palawan at sa Pilipinas, isama mo na rin ang buong mundo, sa aking pa nataon yun. EEeeeeeeeeh! Kagigil!

Tuesday, January 5, 2010

Half Meant



Diba? Umamin na kasi. Kahit ako man gawain ko rin yan. Pero hindi masyado. Kasi alam na ng mga babae ang mga banat na ganiyan. Ipost ba naman sa internet, isama sa mga GM, pag-usapan palagi, ehdi kumalat na. Mga diskarteng pasimple lang at dinadaan pa sa joke kasi walang lakas ng loob para umamin. In short, torpe haha.

Nakakatawa lang sa tuwing nakakabasa ako ng mga ganito. Nakikita ko kasi ang sarili ko dati. Parang ganyan na ganyan ang mga banat ko sa mga babaeng crush ko. Ayon, awa ni bro, lahat palpak. Lahat dun na lang nagtapos. Hanggang crush na lang. Hindi man lang umabot sa point na beyond friendship na ang feelings para sa isa't-isa. Sabagay, hindi naman kami close nung mga naging crush ko. Hindi ko nga kilala yung iba eh. Kahiya kasi lumapit at magpapansin. Parang iisipin nila kulang na ako sa pansin. Pero ayos lang, kasi bata pa ako nun. Ngayon hindi ko na ginagawa yan, dahil malamang, alam na ng sasabihan ko na talagang crush ko siya kahit lagyan ko ng "JOKE" sa dulo. Gasgas na yan tol, iba na in ngayon.

Naalala ko tuloy nung minsan na may kasama akong taong malapit sa akin. Matagal kaming hindi nagkita at nagkakwentuhan. So sa haba ng oras namin na wala na kaming ginawa kundi ang mag-kulitan habang nakaupo, nagjoke siya. Sabi niya, "huwag ka nang umuwi, dito ka na lang". Ui, aba ayos ah. Yun ang reaksyon ko pero sa isip ko lang. Hindi ko alam kung siseryusohin ko ba o sasakyan ko lang. Sagot ko na lang sa kaniya, "sige, gusto mo dito na ako tumira para lagi kitang kasama, pero 'joke' lang". Tumawa siya tapos sabi niya, lahat daw ng joke ay half meant. Half meant? Sa totoo lang, nagulat ako kasi totoo nga naman. Na hindi talaga joke yung sinabi ko, yung tipong sinadya ko talaga sabihin, nilagyan ko lang ng word na 'joke' para hindi niya seryusohin. Diba? Mga lalake diyan, huwag na kayong magmaang-maangan, alam ko gawain niyo rin ito, kaya umamin na kayo. Hahah!.

Sa tagal ng panahon na ginagawa ko yun, nakakahiya man aminin, pero bago ko lang nalaman yung term na half meant. Hehe Nakakatawa talaga dahil sapol na sapol ako sa sinabi sakin ng tao na yun. "Alam mo ba na lahat ng joke ay half meant?" Natulala nga ako eh. Hindi ko kasi inaasahan na madadali niya ako haha. Sira ang diskarte. Tapos palagi pa ako nakakabasa at nakakakita ng mga ganitong quote sa Facebook. Tinatawanan ko na lang, kasi masarap nga naman talagang tawanan ang mga kababawan ng tao. Haha! ^^

Monday, January 4, 2010

Logbook




"Logbook", pieces of papers used by security guards on duty. "Logbook", used by employers to record their time-in and out. "Logbook", it can be used by an ordinary people like us. But how?

An idea came in to my mind when a special friend of mine asked me to think a good title for a novel that tells a story of her life. There were lots of titles appeared on my thoughts. The first was, "pagninilay-nilay sa ilalim ng bituin" because I asked her what she does when she was thinking of the past. I found it poetic but it sounds awful and awkward to the personality of that person. Its also corny to use such titles like that. Ew!. And maybe she doesn't like it anyway. The second was "Larawan ni I_ _ _ _", larawan stands for a photograph followed by her nickname. I just want to tell that by looking at pictures, we reminisce the past. But like the first one, she did not like it. Until "logbook" struck into my brain. Why not use logbook as a title? That's a good a one, and catchy. I sent it to her immediately. Her first reaction was to ask me why logbook? Then, the idea came up, I explained that a logbook is being used to record all events from time to time. Every time that we need references, we look for the records in a logbook. It is the simplest tool for recording. In real life, most of the time, we usually stare at photographs taken from the past to remember what we have done during those times and what we were before. Some of us use to lay under the night sky and have stargazing all night while thinking of the times gone by. So logbook was a representation of looking to the past up to the recent event in our life, as long as there were pages in a logbook, the record will continue until all the pages ran out.

Logbook, who knew that this thing can be the simplest time machine.

Sam : Time-out : 1:11 am, January 5, 2010.

Sunday, January 3, 2010

Sobrang Cheesy



Napansin ko lang, parang usong uso ngayon ang mga corning linya sa iba't-ibang websites ngayon. Nakakatawa pero rock! Lalo na sa Definitely Filipinos (isang group sa facebook na kinabibilangan ko), ang dami-daming pick up lines na simple lang pero nakakatuwa at minsan nakaka-inspire pa nga. Naisip ko tuloy, paano kung gamitin ko ang mga un minsan, maging effective din kaya? Kung tutuusin, marami namang pwedeng gawing diskarte eh, pero parang ito ang in ngayon, ito ang uso. Minsan nga dina-download ko pa ang mga gusto kong cheesy lines. Wala lang, para lang malibang ako. Siguro pag sinipag, pagsasamahin ko silang lahat at gagawin kong kalendaryo, t-shirt, or kahit simpleng wall paper lang. Para lagi ko silang nakikita at palagi akong matawa. Ano pa ba?

Kung may alam kayong cheesy lines, huwag kayo mahiya.I-post sa FB, FS, or sa kahit anong blog or social net. Mukhang uso naman ngayon eh. Malay niyo madiscover kayo. Isa pa, mas maganda ang tumatawa ng may dahilan, kaysa tumatawa sa kawalan.