Saturday, February 6, 2010
I Saw You and Hugged Me, but........
Naglalakad ako kagabi sa kalsada. Syempre madilim, gabi eh. Naghahanap ako ng stars kaya lang wala akong makita. Buti na lang naaaliw ako sa mga ilaw ng poste. Parang naiiwan yung ilaw sa paningin ko. Ang sarap paglaruan sa paningin. Nakakatuwa lang mag-imagine ng kung anu-ano habang ginagawa yun.
Sa di kalayuan, may nakita akong kakaiba. Hindi ko pa masyadong maaninag kasi malabo ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng tao sa lugar na yun, yun talaga yung kakaiba na yun yung napansin ko. Kakaiba kasi yun sa lahat. .Parang may kinalaman kasi siya sa akin. Parang ganun.
Papalapit na ako ng papalapit sa kakaiba na yun. Medyo lumilinaw na ang pagkakakilanlan niya. Parang kilala ko nga siya. Yung lakad na yun, yung kilos na yun, kilalang kilala ko talaga. Nilapitan ko siya, tapos tinignang mabuti. Kainis, natakpan ng sasakyan. Sinundan ko pa rin ng tingin hanggang sa makita ko talaga kung sino siya. Nakakadismaya, nung nakita ko siya, katulad lang pala niya kumilos. Hindi pala yung tao na gusto ko makita yung nakita ko. Akala ko siya na. Hindi pala.
Ayon, naglakad-lakad ako uli para lang malibang. Grabe kasi ka-boring ng buhay. Tinatamad akong kumilos at gumawa ng kung anu-ano. Tapos may nakita na naman ako. Ito talaga parang ito na yung gusto ko makita. Mas makatotohana toh dun sa na-una. Siyempre lumapit uli ako ng lumapit para makita ko talaga ng malapitan. Medyo malayo pa distansya niya sakin. Pero parang siya na nga ata yung tao na hinahanap ko. Babatiin ko na sana. Tapos biglang tumingin sa akin, sakto dun pa sa may ilaw natapat. Haaaaay. Iba pala. Kasing tangkad lang pala at hugis ng katawan pag nakatalikod. Mali na naman.
Napa-upo ako saglit. Para lang magpahinga na rin kahit kaunti. Hindi pa naman ako pagod talaga eh. Tumingala uli ako sa langit. Madilim talaga, walang mga stars na nagpapakita. Nagtatago silang lahat sa ulap. Tapos masilaw din dahil sa ilaw ng mga gusali at sasakyan. Napabugtong hininga lang ako at tumayo para maglakad-lakad uli.
Hindi pa ako nakakalayo, nagulat ako nung may naramdaman akong gumapos sa baywang ko! Unang pumasok sa isip ko mandurukot. Pero masyadong mataas yung mga kamay niya. Yung bulsa ko na sa bandang ibaba ng baywang hindi sa bandang tiyan. Tapos kakaiba yung naramdaman ko habang nakagapos yung mga kamay nung kung sino man yun. Parang pamilyar yung pakiramdam. Tinignan kong mabuti yung mga kamay, nakayakap pala sa akin. At parang ayaw akong bitawan. Sa gulat na rin, hindi talaga mawala sa pakiramdam ko na alam ko kung kanino ko nararamdaman yung pakiramdam na yun. Tapos may binanggit akong pangalan. Sinubukan ko kung sasagot siya. Pero hindi umimik. Tinanong ko kung siya ba yung tao na na sa isip ko. Hindi pa rin siya nagsalita. Kahit anong lingon ko sa likod, hindi ko talaga siya makita. Sa kagustuhan ko nang malaman kung sino siya, pinilit kong alisin yung mga kamay niya sa akin at humarap ako sa kaniya.
Shit! Kinilabutan ako! Kilala ko yung tao na yun! Pero bakit wala siyang mukha!? Tapos nagsalita siya bigla. Binanggit niya pangalan ko. Siya nga yun! Boses niya yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga yung taong gusto kong makita. Tapos biglang dumilim ang paligid. Naramdaman kong naninigas yung mga paa ako. Hanggang sa buong katawan ko na yung nanigas. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung bakit. Basta alam ko lang natatakot ako. Pinipilit kong gumalaw, pero hindi ko magawa. Sinubukan kong magsalita, pero hirap na hirap akong bumigkas ng salita. Sumisigaw na ako pero hanging lang lumalabas sa bibig ko. Tapos may naramdaman akong humila sa akin sa ulo. Hindi ko alam kung sino yun. Tapos namalayan ko na lang, nakahiga pala ako sa kama ko. Natutulog at nananaginip. (T.T) Haaaay.
Narealize ko na lang, namimiss ko na yung tao na gusto kong makita. Akala ko nakita ko siya uli sa totoong buhay. Yun pala sa panaginip ko lang siya nasalubong. Hindi ko tuloy maintindihan kung bangungot ba yun oh normal na panaginip lang. Aminado ako na masaya akong naramdaman uli yung yakap na yun. Na matagal ko ring hindi naramdaman at hinahanap. Siya lang ata ang makapagbibigay sa akin ng ganung klaseng pakiramdam. Pero bakit ako natakot? Bakit ako nakaramdam ng takot nung nawala siya sa paningin ko? Nung dumilim ang paligid? Bakit ganun? Bangungot ba talaga yun? oh panaginip lang?
Posted by apple1 at 10:17 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Yes undoubtedly, in some moments I can say that I agree with you, but you may be in the light of other options.
to the article there is quiet a definitely as you did in the downgrade issue of this demand www.google.com/ie?as_q=ai roboform pro 6.9.0 ?
I noticed the utter you suffer with not used. Or you profit by the black methods of promotion of the resource. I possess a week and do necheg
Post a Comment