THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Thursday, February 25, 2010

Hidden Drugs


Tulad ng dati, balik na naman sa ganitong gawi. Mahirap talaga pigilan pag minsan ka nang nasanay sa isang bagay. Hahanap-hanapin mo talaga kung ano ang kakaibang pakiramdam na binibigay nito sa katawan mo at sa pagkatao. Ibang pagka-high ang nagiging resulta sa tuwing nakukuha mo ito at napapasayo. Para kang nabubudburan ng “happy pills” – kung mayron man na ganyang pills.
Sabi ko na nga ba eh. Kung ano ang nakakatanggal at nakapagpapagaling ng sakit ko sa tuwing may sumpong ako, kahit gaano pa katagal na hindi ko naiinom ang gamot na yun, at kahit matagal na yung pagkakataon na hindi ko na uli nakita yung gamot na yun, isang parte lang mula sa kanya,  solve na ako. Nawawala ang sakit ko.
Minsan nga kahit titigan ko lang yung picture ng gamot, malaking tulong na. Pero mas matindi ang tama kung nakikita ko ng personal at na sa harap ko mismo yung gamot. Lalo pa at siya ay na sa mga kamay ko. Lalong tumitindi ang tama. Parang ligtas na ako sa lahat ng pagkakataon na hawak hawak ko siya. Nabibigyan niya ako ng lakas na higit pa sa kailangan ko. Nabibigyan niya ako ng kaligayahan na hindi makikita sa ibang gamot. Ang epekto niya ay walang katulad at wala ding makakapantay sa kaniya.
Sabihin man nila o tawagin nila akong adik, wala akong pakialam. Hindi naman nila nararamdaman kung ano nilalabanan kong sakit. Hindi nila alam kung ano ang kailangan ng aking pagkatao at katawan. Hindi ko talaga ipagpapalit ang gamot na toh kahit may lumabas pang mga bago. Kahit na ang totoo, mas mahal ko pa sa sarili ko ang gamot ko, dahil not for sale ito at mahirap hanapin at makuha. Siya’y walang kapalit na halaga, at dapat mabusisi ang pagkalinga’t pag-aaruga sa kaniya. Para manatili siyang buhay sa akin kahit kami ay magkalayo na.

0 comments: