THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Wednesday, January 6, 2010

Praning!




Minsan may mga bagay na mahirap intindihin. Minsan nakaka-asar tanggapin ang katotohanan na talagang pinaglalaruan lang tayo ng pagkakataon. Minsan kung kailan masaya ka na, may manggugulo pa. Kung kailan tahimik na ang isip mo dun pa may papasok at sisirain ang lahat. Ano ba talaga? Badtrip ah. Bagong taon na, ang ganda na nga ng simula eh. Okay na okay na ako. Pero dahil lang sa isang tao na ayaw na ayaw ko na makita dahil naiirita ako sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawa sa akin. Ewan ko ba. May mga ganun talaga. Kahit yung dati kong professor sa English subjects ko nagkwento. Meron talaga siyang tao na bwisit na bwisit siya kahit wala naman ginagawa sa kaniya yung tao. Yung tipong gigil na gigil ka at sarap na sarap kang hambalusin ng paunti-unti. Brutal ba? Ayos lang yun. Brutal din kasi yung nararamdaman ko pag nakikita ko siya eh. Pinapahirapan niya ako ng hindi niya alam. Nakakabanas lang talaga kung bakit sa dinami dami ng pwedeng makita, yung tao na yun pa ang bubungad sa akin. Pwede naman yung nagtitinda ng yosi, yung naglalako ng balut. Pero bakit siya pa? Kairita! Ito pa ang nakakatawa. Hindi ko naman siya kilala hahaha! Praning ba? Yaan niyo na lang ako, hindi ko naman kayo inaano eh. Siya lang yung nang-aano.

Kunwari deadma ako na nasalubong ko siya. Pero ang totoo kumukulo na dugo ko. Hay, bakit kaya ganun noh? Parang nananadya yung pagkakataon. Parang wala na bang iba diyan na pwedeng pagtripan at bakit ako pa? Sa dami ng tao sa Palawan at sa Pilipinas, isama mo na rin ang buong mundo, sa aking pa nataon yun. EEeeeeeeeeh! Kagigil!

0 comments: