Diba? Umamin na kasi. Kahit ako man gawain ko rin yan. Pero hindi masyado. Kasi alam na ng mga babae ang mga banat na ganiyan. Ipost ba naman sa internet, isama sa mga GM, pag-usapan palagi, ehdi kumalat na. Mga diskarteng pasimple lang at dinadaan pa sa joke kasi walang lakas ng loob para umamin. In short, torpe haha.
Nakakatawa lang sa tuwing nakakabasa ako ng mga ganito. Nakikita ko kasi ang sarili ko dati. Parang ganyan na ganyan ang mga banat ko sa mga babaeng crush ko. Ayon, awa ni bro, lahat palpak. Lahat dun na lang nagtapos. Hanggang crush na lang. Hindi man lang umabot sa point na beyond friendship na ang feelings para sa isa't-isa. Sabagay, hindi naman kami close nung mga naging crush ko. Hindi ko nga kilala yung iba eh. Kahiya kasi lumapit at magpapansin. Parang iisipin nila kulang na ako sa pansin. Pero ayos lang, kasi bata pa ako nun. Ngayon hindi ko na ginagawa yan, dahil malamang, alam na ng sasabihan ko na talagang crush ko siya kahit lagyan ko ng "JOKE" sa dulo. Gasgas na yan tol, iba na in ngayon.
Naalala ko tuloy nung minsan na may kasama akong taong malapit sa akin. Matagal kaming hindi nagkita at nagkakwentuhan. So sa haba ng oras namin na wala na kaming ginawa kundi ang mag-kulitan habang nakaupo, nagjoke siya. Sabi niya, "huwag ka nang umuwi, dito ka na lang". Ui, aba ayos ah. Yun ang reaksyon ko pero sa isip ko lang. Hindi ko alam kung siseryusohin ko ba o sasakyan ko lang. Sagot ko na lang sa kaniya, "sige, gusto mo dito na ako tumira para lagi kitang kasama, pero 'joke' lang". Tumawa siya tapos sabi niya, lahat daw ng joke ay half meant. Half meant? Sa totoo lang, nagulat ako kasi totoo nga naman. Na hindi talaga joke yung sinabi ko, yung tipong sinadya ko talaga sabihin, nilagyan ko lang ng word na 'joke' para hindi niya seryusohin. Diba? Mga lalake diyan, huwag na kayong magmaang-maangan, alam ko gawain niyo rin ito, kaya umamin na kayo. Hahah!.
Sa tagal ng panahon na ginagawa ko yun, nakakahiya man aminin, pero bago ko lang nalaman yung term na half meant. Hehe Nakakatawa talaga dahil sapol na sapol ako sa sinabi sakin ng tao na yun. "Alam mo ba na lahat ng joke ay half meant?" Natulala nga ako eh. Hindi ko kasi inaasahan na madadali niya ako haha. Sira ang diskarte. Tapos palagi pa ako nakakabasa at nakakakita ng mga ganitong quote sa Facebook. Tinatawanan ko na lang, kasi masarap nga naman talagang tawanan ang mga kababawan ng tao. Haha! ^^
Tuesday, January 5, 2010
Half Meant
Posted by apple1 at 8:04 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment