THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Friday, January 29, 2010

Cycle of Life in Water

"People just come and go." ---> madalas ko marinig yan sa mga kanta. Mapaluma man o bago, hindi pa rin nawawala sa mga lyrics. Nung una, sabi ko sa sarili ko, parang normal naman talaga na may darating at aalis, naalala ko kasi yung lesson namin sa physics dati about properties of matter, sabi ng prof namin, "In every interaction of different molecules of different states of matter, there will always be changes in positions of molecules. There will be replacement of positions. Some will be gone but will be replaced soon." Tama diba? May aalis, pero may papalit. Example pa nga ng prof namin para mas madali maintindihan, sabi niya, halimbawa yung room namin ay isang baso. Kami ang water molecules, yung pinto ng room yung opening ng baso. 20 kami lahat sa loob, tapos nag-evaporate ang tubig, nabawasan ng dalawang tao ang room, so 18 na lang kami sa loob. Yung dalawang umalis, mga saling pusa lang sa subject. Tapos maya-maya may dumating na dalawa, na official students sa subject na physics, nakompleto na uli yung 20 na tao sa loob ng room. Parang ang nangyari, water cycle. Nag-evaporate, tapos nag-condense, at nag-precipitate.

Naka-relate lang ako sa isang story ng kakilala ko.  Hawig ang story niya sa water cycle. Parang siya yung tubig sa baso, tapos may dumating sa buhay niya na dumagdag sa pagiging tubig niya. Tapos nag-evaporate. Syempre nabawasan siya. Tapos may nag-condense na friendship, at pagkatapos nun, may nag-precipitate ng comfort sa kaniya, tapos dahil sa heat, wala siyang magagawa at hindi niya mapipigilan na mag-eevaporate din yung naging part ng sarili niya sa pagiging tubig. Hihiwalay din yung molecule na yun na minsa'y nagpangiti sa kaniya at nagpasaya at sinamahan siya sa mga pagkakataon na may nagtangkang inumin siya.

Parang ganun diba? May cycle ang lahat. Pero ang nakakainis lang, hindi na ba mapipigilan yung cycle na yun? Bukod sa fact na magiging imbalance ang lahat pag walang cycle, pero bakit minsan, parang okay na eh, tapos bigla na lang masisira o may mawawala. Dahil ba may papalit agad? Ganun ba yun? Eh pano kung yung baso nilagyan ng cover? Paano mag-eevaporate yun? Paano magco-condense yun? At paano magpe-precipitate yun? Stagnant na lang siya. Wala nang nabago. Maliban na lang kung may magtatanggal ng takip sa baso.

Pero ang tanong, sa water cycle ba, yung mga molecules na nag evaporate, pag bumalik sila sa water state, sa iyo pa rin ba ang bagsak ng patak nila? 

3 comments:

Jinfreecs12 said...

waw! scientist kna pla ngaun pardz ^^,) nice blog!!

apple1 said...

haha

dati akong quiz bee champion pardz haha joke!! hehe

pero totoo un pardz hehehe..
hindi sa pagmamayabang hehe

ang yabang ko hihi sorry sorry..

natutuwa lang ako sa story na narinig ko from a friend tapos ang na sa isip ko tubig hehe kasi uhaw na ako.. kaya ayon, hehe un ung nasulat ko

Anonymous said...

Good day, sun shines!
There have were times of hardship when I felt unhappy missing knowledge about opportunities of getting high yields on investments. I was a dump and downright stupid person.
I have never imagined that there weren't any need in large initial investment.
Nowadays, I feel good, I started to get real income.
It's all about how to choose a correct partner who uses your money in a right way - that is incorporate it in real deals, parts and divides the profit with me.

You can ask, if there are such firms? I have to tell the truth, YES, there are. Please be informed of one of them:
http://theinvestblog.com [url=http://theinvestblog.com]Online Investment Blog[/url]