THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Monday, February 7, 2011

Abortion

Just think of it...


Tuesday, March 16, 2010

I wish, I wish.

Wishes is all about looking forward to something, for something, for someone, or to someone that we hope would happen someday or in a certain time that we wish to. Its all about hoping. No matter how impossible it could be. As long as you believe, nothing is impossible.

This night, I wish to those shooting stars, that we could do this before you leave.

Monday, March 15, 2010

Food for Thought “expect the unexpected”

“Back in the corner, where I first you.” A line from the song “The Man who can’t be moved by The Script” made my day last March 6, 2010.
Sabi nga nila sa school na pinanggalingan ko nung high school, expect the unexpected. Pambansang food for thought namin yan simula nung pumasok ako sa high school. Palaging naka-sulat sa upper left corner ng board kasi requirement namin yun araw-araw. Para raw ma-inspire kami at madagdagan ang kaalaman sa aming utak.
Sa totoo lang, wala akong paki-alam sa mga food for thought namin. Ginagawa ko lang yun dahil part ng grade. Bukod dun, wala sa kalooban ko gumawa ng mga yun.  In short, napipilitan lang.
Pero “expect the unexpected”,  March 6, 2010, napatunayan ko sa sarili ko na nage-exist nga ito sa mundo. Sa school kung saan ko unang nabasa ang mga katagang ito, doon ko rin napatunayan at naranasan kung ano ba talaga ang ibig sabihin nito. Paano?
Kasi ganito, almost three years ago, I fell in-love with my first girlfriend. Oo, na’in-love ako. Hindi simpleng love yun. Deep inside, I can still feel the same feelings for her despite of the years that we don’t have commitment at all. But we are good friends, and that matters most.
Almost one year I’ve tried to forget everything about us. Kasi hindi ko talaga matanggap na nag break kami for unknown reason. I wont describe it anymore kasi unfair naman.
Then, another year came, and this time, I realized that I’m just fooling myself. Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na wala na talaga. Na-realized ko na lang, niloko ko lang pala ang sarili ko sa pagkahaba-haba ng panahon. Then I found myself going back to her.
Clueless ako kung bakit at paano. Basta ang alam ko lang, masaya ako kapag nakikita ko siya at nakakasama. She is like my smile. A different kind of smile na sa kaniya ko lang naranasan at nagawa. Hindi ko alam kung hopeless ako sa kaniya, but right now, I don’t care.  As long as I’m happy, I’m going to stick with it. (but of course with safety measures din naman hehehe)
Ayon, grand alumni daw ng school ko nung high school. So I went there to celebrate with my batch mates. Thankful ako dahil akala ko hindi ako makakapunta for some reason. Syempre kasama na rin dun na makita ko ang “pare ko” uli dahil miss na miss ko na siya. Dapat talaga akong magpasalamat ng sobra dahil I did not expect that an unexpected thing will happen.
Parang nagkaroon ng time machine na automatic na nagstart kahit hindi ko pinaandar. Actually satisfied na ako nung nakita ko siya. Nung una nga ayaw niya magpakita sakin eh. Pero di niya alam, nakita ko siya sa malayo. Alam kong siya yun, kahit malabo ang paningin ko. Lumapit ako pero hindi ako nagpahalata na malapit na pala ako sa kaniya. Kunwari pumasok ako sa sentro ng kalinangan para tignan yung painting ko na replica ng ibibigay ko sana sa kaniya dati. Mula roon, pinagmasdan ko lang siya. Hanggang sa pumasok na siya ng room niya. Masaya na ako run. Kahit ganun lang.
Pero hindi pa pala yun ang main event sa pagtravel ko sa past. We both felt the same feelings. Hindi ko alam kung paano pero ramdam ko na parang high school ako uli at kami uli nung mga panahon na yun. Kakaibang excitement yung naramdaman ko nung sinabi niya sakin na, “parang na’in-love ako uli sayo”. Parang nagkaroon ng steam sa katawan ko :)Hindi ko maipaliwanag, basta ang alam ko buhay pa rin ang love ko para sa kaniya, pero hindi ko inasahan sa gabing yun, mabubuhay muli ang love niya para sa akin :) Oh diba anong say mo? haha rak lang pare ko! ^^
Honestly, I just want to see her with her retainers kasi nagpagawa siya. Thats it. Bukod dun wala na. Tapos hindi ko rin napansin nung andun na ako sa venue. Siya lang talaga ang halos tumatakbo sa isip ko. Gusto ko sana mag-enjoy with every part of the program. Pero nangibabaw pa rin siya sa akin. Na mas nag enjoy ako kesa dun sa enjoyment na hinahanap ko. Unexpected indeed.
Unti-unti nang nawawala ang liwanag sa paligid. Nagpapalit na ang araw sa gabi. Nagsisimula na lumitaw ang mga stars sa langit. Ibig sabihin gabi na. Napapalapit na ang uwian. Nalungkot na ako nung nalaman ko na umuwi na pala siya. Dinalahan ko pa man din siya ng sopas at pansit kasi hindi pa siya kumakain. Parang nawalan na ako ng gana.  Pero ayoko pa rin umuwi. Wala rin kasi akong gagawin sa bahay.
Maya-maya nagtext na siya. Kukunin na niya yung hinihiram niya sa akin. Hindi ko siya mapuntahan kasi hindi ko alam kung nasaan siya at na sa labas pa ako ng school dahil naghanap ako ng mapapaloadan para matext siya. Hanggang sa nainis na lang siya kasi hindi ako nagrereply. Nung natanggap ko yung load, tinext ko agad siya kung na saan siya. Tumatanggi na siya. Hindi ko alam kung ano naramdaman ko. Basta ang alam ko dumiretso ako sa room nila para ibigay yung kelangan niya kahit na hindi ko alam kung andun nga ba talaga siya. At yun, sinalubong niya ako ng ngiti. :) Nanlambot ako bigla. Natuwa ako na nakangiti siya sa akin. Tumawa na lang ako pero deep inside, gusto ko na siya yakapin muli. Pakiramdam ko, lalo ako nainlove sa kaniya.
Nagkasama kami uli. Naglalakad lakad sa dating school na araw-araw kaming magkasama at nagkikita. Bumalik talaga ang panahon nang hindi ko hinihiling. Alam ko sa sarili ko na maaaring hanggang doon lang yung feelings na yun sa araw ding yun. Pero isa sa mga paniniwala ko, “enjoy little things” na mula sa Zombieland, na kung tutuusin ay tama rin naman. “Little details are important than bigger details, it makes the big picture more detailed” , sabi sa Sherlock Holmes. Tama rin diba? Kahit na kaunting kaunti lang ang pagkakataon na nagkakasama kami, may nabubuo muli sa akin. Simple lang pero malaki ang nagagawa nito sa akin. At kung ano yun, secret ko na lang. XD hehe
Minsan talaga, hindi mo rin alam ang mga mangyayari. Madalas, sa mga pagkakataon na hindi mo inaasahan, magiging masaya ka dahil naramdaman mong may taong muling nagparamdam sayo na mahal ka niya na matagal mong hinanap.
Expect the unexpected, yan ang food for thought natin for this day.
-littleaBi :)


Thursday, February 25, 2010

Hidden Drugs


Tulad ng dati, balik na naman sa ganitong gawi. Mahirap talaga pigilan pag minsan ka nang nasanay sa isang bagay. Hahanap-hanapin mo talaga kung ano ang kakaibang pakiramdam na binibigay nito sa katawan mo at sa pagkatao. Ibang pagka-high ang nagiging resulta sa tuwing nakukuha mo ito at napapasayo. Para kang nabubudburan ng “happy pills” – kung mayron man na ganyang pills.
Sabi ko na nga ba eh. Kung ano ang nakakatanggal at nakapagpapagaling ng sakit ko sa tuwing may sumpong ako, kahit gaano pa katagal na hindi ko naiinom ang gamot na yun, at kahit matagal na yung pagkakataon na hindi ko na uli nakita yung gamot na yun, isang parte lang mula sa kanya,  solve na ako. Nawawala ang sakit ko.
Minsan nga kahit titigan ko lang yung picture ng gamot, malaking tulong na. Pero mas matindi ang tama kung nakikita ko ng personal at na sa harap ko mismo yung gamot. Lalo pa at siya ay na sa mga kamay ko. Lalong tumitindi ang tama. Parang ligtas na ako sa lahat ng pagkakataon na hawak hawak ko siya. Nabibigyan niya ako ng lakas na higit pa sa kailangan ko. Nabibigyan niya ako ng kaligayahan na hindi makikita sa ibang gamot. Ang epekto niya ay walang katulad at wala ding makakapantay sa kaniya.
Sabihin man nila o tawagin nila akong adik, wala akong pakialam. Hindi naman nila nararamdaman kung ano nilalabanan kong sakit. Hindi nila alam kung ano ang kailangan ng aking pagkatao at katawan. Hindi ko talaga ipagpapalit ang gamot na toh kahit may lumabas pang mga bago. Kahit na ang totoo, mas mahal ko pa sa sarili ko ang gamot ko, dahil not for sale ito at mahirap hanapin at makuha. Siya’y walang kapalit na halaga, at dapat mabusisi ang pagkalinga’t pag-aaruga sa kaniya. Para manatili siyang buhay sa akin kahit kami ay magkalayo na.

Saturday, February 6, 2010

I Saw You and Hugged Me, but........


Naglalakad ako kagabi sa kalsada. Syempre madilim, gabi eh. Naghahanap ako ng stars kaya lang wala akong makita. Buti na lang naaaliw ako sa mga ilaw ng poste. Parang naiiwan yung ilaw sa paningin ko. Ang sarap paglaruan sa paningin. Nakakatuwa lang mag-imagine ng kung anu-ano habang ginagawa yun.

Sa di kalayuan, may nakita akong kakaiba. Hindi ko pa masyadong maaninag kasi malabo ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng tao sa lugar na yun, yun talaga yung kakaiba na yun yung napansin ko. Kakaiba kasi yun sa lahat. .Parang may kinalaman kasi siya sa akin. Parang ganun.

Papalapit na ako ng papalapit sa kakaiba na yun. Medyo lumilinaw na ang pagkakakilanlan niya. Parang kilala ko nga siya. Yung lakad na yun, yung kilos na yun, kilalang kilala ko talaga. Nilapitan ko siya, tapos tinignang mabuti. Kainis, natakpan ng sasakyan. Sinundan ko pa rin ng tingin hanggang sa makita ko talaga kung sino siya. Nakakadismaya, nung nakita ko siya, katulad lang pala niya kumilos. Hindi pala yung tao na gusto ko makita yung nakita ko. Akala ko siya na. Hindi pala.

Ayon, naglakad-lakad ako uli para lang malibang. Grabe kasi ka-boring ng buhay. Tinatamad akong kumilos at gumawa ng kung anu-ano. Tapos may nakita na naman ako. Ito talaga parang ito na yung gusto ko makita. Mas makatotohana toh dun sa na-una. Siyempre lumapit uli ako ng lumapit para makita ko talaga ng malapitan. Medyo malayo pa distansya niya sakin. Pero parang siya na nga ata yung tao na hinahanap ko. Babatiin ko na sana. Tapos biglang tumingin sa akin, sakto dun pa sa may ilaw natapat. Haaaaay. Iba pala. Kasing tangkad lang pala at hugis ng katawan pag nakatalikod. Mali na naman.

Napa-upo ako saglit. Para lang magpahinga na rin kahit kaunti. Hindi pa naman ako pagod talaga eh. Tumingala uli ako sa langit. Madilim talaga, walang mga stars na nagpapakita. Nagtatago silang lahat sa ulap. Tapos masilaw din dahil sa ilaw ng mga gusali at sasakyan. Napabugtong hininga lang ako at tumayo para maglakad-lakad uli.

Hindi pa ako nakakalayo, nagulat ako nung may naramdaman akong gumapos sa baywang ko! Unang pumasok sa isip ko mandurukot. Pero masyadong mataas yung mga kamay niya. Yung bulsa ko na sa bandang ibaba ng baywang hindi sa bandang tiyan. Tapos kakaiba yung naramdaman ko habang nakagapos yung mga kamay nung kung sino man yun. Parang pamilyar yung pakiramdam. Tinignan kong mabuti yung mga kamay, nakayakap pala sa akin. At parang ayaw akong bitawan. Sa gulat na rin, hindi talaga mawala sa pakiramdam ko na alam ko kung kanino ko nararamdaman yung pakiramdam na yun. Tapos may binanggit akong pangalan. Sinubukan ko kung sasagot siya. Pero hindi umimik. Tinanong ko kung siya ba yung tao na na sa isip ko. Hindi pa rin siya nagsalita. Kahit anong lingon ko sa likod, hindi ko talaga siya makita. Sa kagustuhan ko nang malaman kung sino siya, pinilit kong alisin yung mga kamay niya sa akin at humarap ako sa kaniya.

Shit! Kinilabutan ako! Kilala ko yung tao na yun! Pero bakit wala siyang mukha!? Tapos nagsalita siya bigla. Binanggit niya pangalan ko. Siya nga yun! Boses niya yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga yung taong gusto kong makita. Tapos biglang dumilim ang paligid. Naramdaman kong naninigas yung mga paa ako. Hanggang sa buong katawan ko na yung nanigas. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung bakit. Basta alam ko lang natatakot ako. Pinipilit kong gumalaw, pero hindi ko magawa. Sinubukan kong magsalita, pero hirap na hirap akong bumigkas ng salita. Sumisigaw na ako pero hanging lang lumalabas sa bibig ko. Tapos may naramdaman akong humila sa akin sa ulo. Hindi ko alam kung sino yun. Tapos namalayan ko na lang, nakahiga pala ako sa kama ko. Natutulog at nananaginip. (T.T) Haaaay.

Narealize ko na lang, namimiss ko na yung tao na gusto kong makita. Akala ko nakita ko siya uli sa totoong buhay. Yun pala sa panaginip ko lang siya nasalubong. Hindi ko tuloy maintindihan kung bangungot ba yun oh normal na panaginip lang. Aminado ako na masaya akong naramdaman uli yung yakap na yun. Na matagal ko ring hindi naramdaman at hinahanap. Siya lang ata ang makapagbibigay sa akin ng ganung klaseng pakiramdam. Pero bakit ako natakot? Bakit ako nakaramdam ng takot nung nawala siya sa paningin ko? Nung dumilim ang paligid? Bakit ganun? Bangungot ba talaga yun? oh panaginip lang?

Friday, February 5, 2010

Brilliant Night of February 4, 2010

This scene was last night while waiting for the electricity. Because of boredom, I decided to take a walk for while.

While walking, I realized that sometimes, its nice to live in darkness. Its so peaceful; free from noise, free from technology, free from stress, free from worries. Its so relaxing to the mind because of silence. All I can here were insects and my twin brothers' voices teasing each other.

Then I looked up, and I was amazed. "WooowooW! Cool! The sky was so brilliant! The stars were twinkling  as if they were talking to each other and tempting me to stare at them. And they won. I stared them again and again. And because of their beauty, I climbed the roof just to see them clearly. I got inspired in watching, then different ideas for artwork and music came consistently. But when I sat on the roof, I heard my brothers shouting "Yehey! May ilaw na!" Damn!, I was about to enjoy the moment. (Kainis, wrong timing. Andun na ako eh, moment ko na eh. Hindi man lang ako pinatagal ng isang minuto sa bubong. Hehehe ^.^) Anyway, its useless to stay on the roof. Lights form houses were so bright, it got me blind to see the stars clearly. So I went down and drew the illustration above to remember the brilliant night of February 4, 2010.

Wednesday, February 3, 2010

Snapshots

"Color of shadows"

 "Figment of Lines"

"Gradient"

"Destination"

"I know you're somewhere out there"

"I'll just sit and wait you here"


(These are my shots last February 2, 2010. )