“Back in the corner, where I first you.” A line from the song “The Man who can’t be moved by The Script” made my day last March 6, 2010.
Sabi nga nila sa school na pinanggalingan ko nung high school, expect the unexpected. Pambansang food for thought namin yan simula nung pumasok ako sa high school. Palaging naka-sulat sa upper left corner ng board kasi requirement namin yun araw-araw. Para raw ma-inspire kami at madagdagan ang kaalaman sa aming utak.
Sa totoo lang, wala akong paki-alam sa mga food for thought namin. Ginagawa ko lang yun dahil part ng grade. Bukod dun, wala sa kalooban ko gumawa ng mga yun. In short, napipilitan lang.
Pero “expect the unexpected”, March 6, 2010, napatunayan ko sa sarili ko na nage-exist nga ito sa mundo. Sa school kung saan ko unang nabasa ang mga katagang ito, doon ko rin napatunayan at naranasan kung ano ba talaga ang ibig sabihin nito. Paano?
Kasi ganito, almost three years ago, I fell in-love with my first girlfriend. Oo, na’in-love ako. Hindi simpleng love yun. Deep inside, I can still feel the same feelings for her despite of the years that we don’t have commitment at all. But we are good friends, and that matters most.
Almost one year I’ve tried to forget everything about us. Kasi hindi ko talaga matanggap na nag break kami for unknown reason. I wont describe it anymore kasi unfair naman.
Then, another year came, and this time, I realized that I’m just fooling myself. Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na wala na talaga. Na-realized ko na lang, niloko ko lang pala ang sarili ko sa pagkahaba-haba ng panahon. Then I found myself going back to her.
Clueless ako kung bakit at paano. Basta ang alam ko lang, masaya ako kapag nakikita ko siya at nakakasama. She is like my smile. A different kind of smile na sa kaniya ko lang naranasan at nagawa. Hindi ko alam kung hopeless ako sa kaniya, but right now, I don’t care. As long as I’m happy, I’m going to stick with it. (but of course with safety measures din naman hehehe)
Ayon, grand alumni daw ng school ko nung high school. So I went there to celebrate with my batch mates. Thankful ako dahil akala ko hindi ako makakapunta for some reason. Syempre kasama na rin dun na makita ko ang “pare ko” uli dahil miss na miss ko na siya. Dapat talaga akong magpasalamat ng sobra dahil I did not expect that an unexpected thing will happen.
Parang nagkaroon ng time machine na automatic na nagstart kahit hindi ko pinaandar. Actually satisfied na ako nung nakita ko siya. Nung una nga ayaw niya magpakita sakin eh. Pero di niya alam, nakita ko siya sa malayo. Alam kong siya yun, kahit malabo ang paningin ko. Lumapit ako pero hindi ako nagpahalata na malapit na pala ako sa kaniya. Kunwari pumasok ako sa sentro ng kalinangan para tignan yung painting ko na replica ng ibibigay ko sana sa kaniya dati. Mula roon, pinagmasdan ko lang siya. Hanggang sa pumasok na siya ng room niya. Masaya na ako run. Kahit ganun lang.
Pero hindi pa pala yun ang main event sa pagtravel ko sa past. We both felt the same feelings. Hindi ko alam kung paano pero ramdam ko na parang high school ako uli at kami uli nung mga panahon na yun. Kakaibang excitement yung naramdaman ko nung sinabi niya sakin na, “parang na’in-love ako uli sayo”. Parang nagkaroon ng steam sa katawan ko
Hindi ko maipaliwanag, basta ang alam ko buhay pa rin ang love ko para sa kaniya, pero hindi ko inasahan sa gabing yun, mabubuhay muli ang love niya para sa akin
Oh diba anong say mo? haha rak lang pare ko! ^^
Honestly, I just want to see her with her retainers kasi nagpagawa siya. Thats it. Bukod dun wala na. Tapos hindi ko rin napansin nung andun na ako sa venue. Siya lang talaga ang halos tumatakbo sa isip ko. Gusto ko sana mag-enjoy with every part of the program. Pero nangibabaw pa rin siya sa akin. Na mas nag enjoy ako kesa dun sa enjoyment na hinahanap ko. Unexpected indeed.
Unti-unti nang nawawala ang liwanag sa paligid. Nagpapalit na ang araw sa gabi. Nagsisimula na lumitaw ang mga stars sa langit. Ibig sabihin gabi na. Napapalapit na ang uwian. Nalungkot na ako nung nalaman ko na umuwi na pala siya. Dinalahan ko pa man din siya ng sopas at pansit kasi hindi pa siya kumakain. Parang nawalan na ako ng gana. Pero ayoko pa rin umuwi. Wala rin kasi akong gagawin sa bahay.
Maya-maya nagtext na siya. Kukunin na niya yung hinihiram niya sa akin. Hindi ko siya mapuntahan kasi hindi ko alam kung nasaan siya at na sa labas pa ako ng school dahil naghanap ako ng mapapaloadan para matext siya. Hanggang sa nainis na lang siya kasi hindi ako nagrereply. Nung natanggap ko yung load, tinext ko agad siya kung na saan siya. Tumatanggi na siya. Hindi ko alam kung ano naramdaman ko. Basta ang alam ko dumiretso ako sa room nila para ibigay yung kelangan niya kahit na hindi ko alam kung andun nga ba talaga siya. At yun, sinalubong niya ako ng ngiti.
Nanlambot ako bigla. Natuwa ako na nakangiti siya sa akin. Tumawa na lang ako pero deep inside, gusto ko na siya yakapin muli. Pakiramdam ko, lalo ako nainlove sa kaniya.
Nagkasama kami uli. Naglalakad lakad sa dating school na araw-araw kaming magkasama at nagkikita. Bumalik talaga ang panahon nang hindi ko hinihiling. Alam ko sa sarili ko na maaaring hanggang doon lang yung feelings na yun sa araw ding yun. Pero isa sa mga paniniwala ko, “enjoy little things” na mula sa Zombieland, na kung tutuusin ay tama rin naman. “Little details are important than bigger details, it makes the big picture more detailed” , sabi sa Sherlock Holmes. Tama rin diba? Kahit na kaunting kaunti lang ang pagkakataon na nagkakasama kami, may nabubuo muli sa akin. Simple lang pero malaki ang nagagawa nito sa akin. At kung ano yun, secret ko na lang. XD hehe
Minsan talaga, hindi mo rin alam ang mga mangyayari. Madalas, sa mga pagkakataon na hindi mo inaasahan, magiging masaya ka dahil naramdaman mong may taong muling nagparamdam sayo na mahal ka niya na matagal mong hinanap.
Expect the unexpected, yan ang food for thought natin for this day.
-littleaBi